muntik pang

5 araw na ang nakalipas...
3 araw ng pakikipagsapalaran sa metro...
3 araw na umaalis ng punong puno ng pag asa, may kunting pangamba na baka maholdap at umuuwi na pinanghihinaan ng loob.
sabi nga, walang nangyayari sa mga walang ginagawa...
kaya tiis tiis lang...

mabuti na lang nuong isang gabi...
ayon sa horoscope ko...

"ngayong linggo magkakaron ka na ng lovelife"

sa kasamaang palad, walang kalinawan akong nakita sa 3 araw na nakalipas, lovelife man o sa trabaho...
maaring totoo nga ang sabi na bihira ang maging successful sa career successful din ang lovelife. you can't have everything, ika nga...
kaya posibleng sa paghahanap pa lamang nitong dalawa, swerte na ang makatagpo ng isa...

ang mahirap lang...
ewan ko ba... at napanaginipan sina.. lea salonga(ulit), mikee cojuangco at charlene gonzales...(maiden name talaga dapat)
hindi naman ako ang tipong papasok sa cougar town at lalo na sa polygamy...
pero kung makakakilala ako ng katulad nilang tatlo(mga simpleng babae) kahit di man ako palarin sa career... wala na akong pakialam...
kahit alam kong hindi nakakain ang pagmamahal...
crush ko lang talaga sila... at paasa ang horoscope na ito!

joke lang LORD... kailangan ko pa din ng trabaho...


ang masaklap... kahapon tapos na ang panahon na nakasaad sa horoscope ko...
bakit nga ba ako naniniwala ng horoscope??? sa pagkakataon kasing ito maganda ang sinasabi... malamang kung kabaliktaran, hindi ito pagaaksayahan ng panahon...

ang masama pa... sa kaaasa rito...
late na nga... muntik pang makalimutan...

maligayang kahapon sa mga tatay natin!!!

happy father's yesterday Pa!!!

1 Response to "muntik pang"