BLOG entry # 55!

hindi ako palainom...
ngunit kahit pare ay umiinom...
hindi ako pare at oo, umiinom din ako...
hindi lang minsan kundi mas minsan pa sa minsan...
pala "hindi" lang ako sa mga yayaan sa inuman...
dahil sa bahay namin, di hamak na mas sikat ang bottomless kaysa sa isang bucket o sa madaling salita iced tea ang tinatangkilik hindi alcohol...
eh anu naman...?
ang post na ito kasi ay tumutukoy sa nangyari ng minsan ang paghindi ko ay di umubra sa mga nag-yaya...
2 bagay na di ko makakalimutan na napag kwentuhan...
ito'y tungkol sa walang humpay na L-O-V-E...
UNA: sabi ng isang succesful career woman... "kung nung teenager ka ay kinikilig ka kung gwapo ang nanliligaw saiyo kahit di katalinuhan, kapag dumating ka sa edad na papalapit na sa bingit ng delakadong pagbuntis ay magiging huli na sa mga makahulog p**t* ang kagandahan ng panlabas na anyo dahil titingin ka sa kakayahan nitong buhayin ka... pwera na lamang kung makakahanap ka ng gwapo na at matalino pa... o kaya naman ay gwapo na mayaman pa... kung magkataon... swerte mo!!!! kung malas ka... pumili ka... kabusugan ng sikmura o kabusugan ng mata????"
-------beauty is in the eye of the beholder-------
PANGALAWA: sabi ng isang kababata... "kung nagtapos ka sa pagaaral na walang naging syota, mahahanap mo ang para saiyo sa pinagtatrabahuhan mo... at kung hindi mo pa siya nahagilap dun ay mahahanap ka niya sa bahay ninyo dahil isa siya sa mga kabarangay mo..."
-------there's no place like home-------
kung wala ka pang special someone... mamomroblema ka ba? bakit?
madaming maaaring sagot... ngunit...
sasagot ka ba??? kahit hindi na...
IPAGDASAL mo na lang...
baka matulungan ka pa!!!

0 Response to "BLOG entry # 55!"