anu kaya???

isang araw…
sa buhay ng isang self proclaimed OC..
sumikat si haring araw at tinapa ang nakahain sa hapag kainan…
napagisipang isa lang ang magandanag gawin sa araw na iyon…
ang linisan ang kwarto ng ama…
dahil dalawang araw na ang nakalipas ng makakita ng naglalakad na nilalang na itago natin sa pangalang… ipis…

naglinis…
nagtapon…
nasugatan…
nasaktan…
pero matapos ang lahat… nasiyahan sapagkat malinis na ang magmumukha sanang district 9 kung pinabayaan na lang…

sa araw na iyon…
may mga bagay na napagtanto ang self proclaimed OC…

1.matinding palaisipan kung aalisin ang mga agiw... Sino na lamang ang kakain sa mga nilalang na itago natin sa pangalang insekto???
2.napatunayang naloko na naman ng isang commercial sa pagaakalang epektibo ang mr muscle gaya ng mensahe nito sa tv…
3.at siguro magandang mamasukan sa isang janitorial services????

anu kaya???

i'd like to make myself believe...

lately i’ve been listening to sound of owl city… their song fireflies keeps playing in my head…
one time, while watching tv for hours, as i stand up to eat i started singing… “i’d like to make myself believe that planet earth turns slowly…”
and this morning, after breakfast i would usually go back to my room, clean up and turn my laptop on… and as i did i found myself singing again “i’d like to make myself believe that planet earth turns slowly…”

i am usually like that with songs… but me being fixated is not the subject of this post…
i think, everyone knows that i’m a home stuck… tambay… still waiting for employment to come…

a typical day for me is a cycle of waking up-breakfast-laptop and/or ipod-lunch-tv-nap/no nap-merienda-sitting on our terrace-ipod-bath-dinner-laptop-milk with a little something-rosary-sleep.(baby sits anytime)

i am usually like this… but me being a person of habits is not the subject of this post…

just this morning…
i think i had an epiphany… with singing in my head… “i’d like to make myself believe that planet earth turns slowly…”

not with the earths rotation but rather with the thought that sometimes we make ourselves believe...

so what are the things you make yourself believe?
here are mine…

i’d like to make myself believe that planet earth turns slowly…”
joke!… so much for originality…

serious this time…
again
here are mine…

i'd like to make myself believe that good guys should get most girls and not them so called bad guys…
i'd like to make myself believe that not knowing is more convenient...
i'd like to make myself believe that good food are those home cooked...
i'd like to make myself believe that there are truths in horoscope...
i'd like to make myself believe that contraception is a great idea but not a great solution…
i'd like to make myself believe that there is hope for our country...
i'd like to make myself believe that exercise is the key to a healthy life...
i'd like to make myself believe that sometimes is the new always...
i'd like to make myself believe that all problems have solution so we must stop complaining…
i'd like to make myself believe that time is the best medicine...
i'd like to make myself believe that everything happens for a reason…
i'd like to make myself believe that i have more to believe other than this, i know i do…

believing can be very powerful…
just look at the psych patients if you know what i mean...

obvious na ba???
i’m a believer…
are you???
sabi nga... the more you believe the merrier...

all this time my head is singing:
“i'd like to make myself believe
that planet earth turns slowly
it's hard to say that i'd rather stay
awake when i'm asleep
because my dreams are bursting at the seams”

(until fade…)

i got to find me the stop button... fast!!!

caption this...


this was taken few months back by my nephew(the eldest of five and a fetus pamangkins i have and will have respectively) the one on the photo is the youngest of the five, fetus excluded of course...

that day my nephew just decided to post as a photographer, grabbed the camera ,a few clicks gone and he got this…

we all laugh at it for obvious reason… i mean… who wouldn’t…
its his first birthday today…

HAPPY BIRTHDAY Jat!!!

may you have many more birthdays to come…

i love you…

ngunit bakit

ngayon ay pangatlong araw na hindi umulan dito samin…
mainit pero sa tagal ba naming umulan at bumaha pa ay masaya na ko sa ganito…
ilang linggo na ding ondoy pepeng ang laman ng balita…
kagaya ng ah1n1, wala kang hindi malalaman tungkol sa estado ng mga lugar na nasalanta…
halos lahat ng estasyon sa tv may kanya kanyang helpline sa mga gustong tumulong…
nakakatuwang malaman na marami ang nagaabot ng kanilang serbisyo sa mga biktima ng bagyo…
medyo may mga naiinis naman sa iba na kung susuriin ay mukhang nagpapakitang gilas sa mata ng publiko…
ngunit kung susuriin ng mas mabuti, bukal man sa loob nila o hindi ay nakakatulong pa din sila… at yun ang mas importante higit sa anu pa mang hidden agenda kung meron man…

dito… hindi namin naramdaman ang bagsik ni ondoy, ngunit ng dumating si pepeng, umulan ng may kasabay na hangin na malakas… ngunit bumaha dahil sa dam na may hindi gaanong kalayuan samin… na sa tingin ko ay ang nagpalala sa mga pagbaha sa lahat ng lugar na nadaanan ng 2 bagyong ito…

nung kasagsagan ni pepeng, halos lahat ng text na nababasa ko galing sa mga kaibigan ko ay maghintay dahil kung di tumigil ang ulan sa kani kanilang lugar ay magpapaka christine reyes sila, kaya’t siguraduhin ko daw na activated ang gprs ng cellphone ko… ang sabi ko naman meron ba kayong richard?

tuwing may bagyo…
sinisiguro ko na meron akong makakain na knick knacks milk flavor…
nagsimula ito nung bago pa lang ito sa merkado at paparating naman si bagyong rosing…
dahil sa pamilya kami ng mga madaling mauto ng patalastas, bumili ang kapatid ko…
nang dumating na si rosing, bumaha, nakulong sa bahay na may maraming knick knacks at yun na…

hindi naman siya ganuon kasarap pero tuwing may bagyo o kahit malakas lang ang ulan sumasarap siya…

at sa nakaraang mga araw… wala ng bagyo… wala na ding ulan… mainit… ngunit bakit masarap ang sardinas?

kung gusto mong...

isang araw karga ang pamangkin ko at dahil sa ayaw na magpababa…
kinarga ng parang isang taon sa sobrang tagal…

mabuti na lang at naiwan bukas ang tv di ko lang mahanap ang remote…

at hindi problema sakin na wala ang remote, hindi dahil sa gusto ko na pumunta sa harapan ng tv at mag manual pindot … ngunit dahil sa ok lang sakin manuod ng mga patalastas… minsan nga mas ok pa sakin ang mga commercials keysa sa kung anu ang palabas…
at dahil dito…

1.hindi ako bumibili ng produkto na walang patalastas.
2.magmomotor sa kalaliman ng gabi makabili lang ng snickers dahil nainggit dun sa nagbbreak dance.
3.at nadidisapoint kadalasan dahil naloloko ng mga patalastas. (high expectations)

kaya nuong araw na yun habang nanunuod ng tv karga ang pamangkin ko….
napagtanto ko na…

kung gusto mong…

magkaroon ng instant computer… manuod ka ng dora the explorer at hintaying may ipahanap saiyo si dora… at mabibigla ka na lang na may lalabas na arrow ng mouse na mas magaling pa nga dahil kontrolado ng isip mo… yun nga lang sa tuwing may ipapahanap lang si dora ka magkakaroon ng computer at yun eh kung tama ang sagot mo sa tanong niya...

kung gusto mong…

makaranas ng kasiyahan… simple lang at hindi lang dahil sa natural sa mga pinoy ito kundi nabibili lang sa mga 24 hours na mga botika kaya anytime basta may pera ka… mag enervon ka…(basahin ng pasigaw ito----Happiness!!!)

at

kung gusto mong…


makita si bitoy… siguraduhin lang na hugasan ang mga plato, kutsyara’t tinidor ng bareta at baka sakaling magpakita siya sumisigaw ng "may sabon!!!"… paalala lang kung gagawin ito, hinay hinay ang pagsubo at baka makain niyo si bitoy at higit sa lahat ang sabon…

Transformers3 07/01/11


just read this this morning...
i know some was disappointed with transformers 2, but i wasn't...
so im pretty excited about this one...
i know from the moment shia told in a red carpet in japan during the premiere of TROF that the next one will be intergalactic... but i have my doubts... until now...

posted morning of october 1st...
Well its official: We have a great Transformers 3 story. The release date is now July 1st 2011. Not 2012.

Today is Day One. This morning started with an ILM meeting for five hours in San Francisco. Currently I'm flying with writer Ehren Kruger to Rhode Island to talk to Hasbro about new characters.

P.S. Megan Fox, welcome back. I promise no alien robots will harm you in any way during the production of this motion picture. Please consult your Physician when working under my direction because some side effects can occur, such as mild dizziness, intense nausea, suicidal tendencies, depression, minor chest hair growth, random internal hemorrhaging and inability to sleep. As some directors may be hazardous to your health, please consult your Doctor to determine if this is right for you.

Pain and Gain is right after shooting of Trans 3.


Michael
source

we can only speculate so much about the story and characters(aliens and earthlings)...
as long as i know that there is transformers 3 im fine with that...
wow!!! 2011 is 2 years from now... thats a long wait definitely...
Transformers 3 o7/01/11

---------------SEGUE----------------

my other waiting was over when chris brown released his first single i can transform ya feat lil wayne & swizz beatz few days ago... and this one disappointed i am... it's kinda good but considering his current status, he needed something greater than great that could make people forget that he was the guy who punch rihanna not once but a lot of times... ok... im not his number 1 fan, but i am a fan of his music... and what he did... not cool... nevertheless im still hoping his album has great tracks on it...

crowning glory...

nang matapos sa highschool...
nag college...
malayo sa bahay...
at nagpahaba ng buhok...(may konek ba???)

high school pa lang...
gustong gusto ko na magpahaba..
kaya lang strikto ang school namin sa grooming...
at mas lumayo ang posibilidad ng sumali sa pmt... mas pinaikli pa nga...

kayat ng nagcollege...
nagpahaba ng buhok...
tuwang tuwa ako nun dahil sa wakas natupad na din...
at kapag natutuwa ka...
malamang matatapos din...

makaraan ang isang taon...
kinailangan ko ng magpagupit...
kagaya ng dati... dahil dapat...
magsusuot na kasi kami ng puting uniform...

lumipas ang 4 na taon...
dahil sa magrereview lang naman...
at hindi kailangang maikli ang buhok...
kayat nagpahaba ulit...
hanggat sa nakapasa...
ang totoo nga ay pati ang picture sa lisensya ko naka pony tail pa...

ilang buwan ang lumipas...
kailangan ng magtraining sa hospital...
kaya... nagpagupit na naman ako...

matapos ang 4 na buwan...
kinailangan ang serbisyo ko sa pag asikaso ng mga papeles ng aking mga pamangkin...
pabalik balik sa maynila di naman requirement ang maikling buhok...
kaya nagpahaba na naman...

ng sinabihang kumuha ng pasaporte...
napag desisyunan ko na magpagupit na lang...
kahit sa pagkakataong ito hindi naman kailangan...
para desente naman... ayokong mapagkamalang adik(hindi dahil lahat ng adik mahahaba ang buhok) ewan ko ba...

ilang buwan ang nakalipas...
nag apply...
at ngayon nag hihintay ng tawag...
mahaba na naman ang buhok ko...

iniisip ko kung bakit gustong gusto ko mahaba ang buhok ko...
kahit parehas lang na magastos... kung mahaba - conditioner, kung maikli naman - gel...
siguro dahil, sa buong buhay ko... sinusunod ko lahat ng sabihin sakin...
dapat ganito, ganyan... sa totoo lang hindi pa ako nalate o nag absent man lang sa mga naging klase ko... at sinunod ko din kagustuhan ng mama ko na mag nursing ako...

ewan ko ba...
sa mga oras na mahaba ang buhok ko...
makailang beses na akong sinabihan ng mam, ms, at kanina lang madam naman...
pero, dahil sa mahaba din ang buhok ko...
nakaka tago ako sa mga taong gustong iwasan...
kanina paguwi sakay ng van, nakita na tatabi sakin klasmeyt ko nung elementary...
wala akong utang sa kanya, o kasalanan...
ayoko ko lang siyang makausap... makipagkwentuhan sa 40 minutong biyahe...
isa siya sa mga hindi ko gusto sa klase namin nuon...
hindi mabait, nakakatakot at matalino(hindi sa masama ang maging matalino pero sa kaso niya oo, nuon)...

sana lang hindi nya ako namukhaan kanina...
kasi kung ang tingin ko sa kanya dati lang...
malamang ang tingin nya sakin dati din...

kaya lang... dahil sa mahaba ang buhok... posibleng hindi...

and so the story continue...
the story of my so called...
crowning glory...