ang next year last year...

goodbye 2009... hello 2010..
hindi pa… pero madali na…

halos lahat o di kaya lahat magsusulat na o nagsulat na ng mga year ender post nila…
kaya bakit naman ako magpapaka-others eh ako mismo ang nagsabi na halos lahat o di kaya lahat…
kaya gagawa na din ako…

dahil sa nakikisunod lang naman na ako sa trend na to…
hindi ko alam kung paano ko sisimulan…
tapos… bigla kong naalala… na parang gumawa din ako ng parang ganito… oo! dalawang “parang” kasi hindi naman talaga siya masasabing year ender report… at dalawa yun…

yung una…
nagawa ko sa sobrang inggit sa mga regalong nakuha ng mga pamangkin ko nuong exchange gifts nila sa school…
isang wishlist ang naging bunga nito...
nung nabasa ko ulit di pa katagalan ngayon… meron naman pala natupad… at syempre… gaya ng inaasahan karamihan hindi… “you can’t have everything” sabi nga…
baka nga dahil sa paghahangad ko ng labis ay kaya ako nawalan…(nagwish kasi ako ng bagong cp at malamang nabasa niyo na nawala yung cp ko ilang linggo na nakalilipas)
ang weird pa kasi kanina ko lang nalaman na wala pala akong number 6 dun… marahil sabi ni LORD para hindi na madagdagan pa ang mahabang listahan ng hindi matutupad…

eto naman ang bago kong wishlist...
hindi na bunga ng inggit kundi para next december may machecheck ako...

1.blackberry curve 8900(sana maipadala na ng kapatid ko)
1.1. eto di ko hiniling pinangako sa akin sana lang matupad na…
2.laptop case
3.laptop bag
4.levi’s pants(sabi ng kaibigan ko huwag na daw akong bumili ng pantaloon kasi wala namang nakakapansin kaya mga pangtaas na lamang… naniwala ako kaya wala akong nabiling pantalon ngayong taon…
4.1.huwag makinig sa kaibigan na to…
5.curve perfume
5.1.sana padalahan ulit ako ng pinsan/bestfriend ko dahil wala pa yata nito sa pilipinas.
7.encantadia dvd
8.altec lansing speaker
9.world peace
10.visa
11.job/occupation/work

base lang ito dun sa wishlist ko nuong isang taon… baka ngayong taon... may matupad ulit… wish and wish until granted…

eto yung pangalawa…
kahit january pa siguro gaya last time ipapalabas ito sa star movies... isabay ko na din dahil may alam na din akong iba...
at napanuod ko na din lahat yung naipost ko na most anticipated movies of 2009 based sa star movies…
-watchmen-gijoe-startrek-dragonballz-xmenorigins:wolverine-racetowitchmountain-transformers2-avatar-

may maganda, may ok lang at meron namang disappointment(dragonballz)…
marami pang mga movies na hindi dun na-feature pero worth the anticipation din sana…
oh well… siguro isa rin yun sa dahilan kung bakit maganda… may element of surprise kung baga…
up-district9-slumdog millionaire-the blind side-planet51-law abiding citizen-at marami pang iba na sa sobrang ganda di ko na maalala...

ito naman ang mga hinihintay kong mapanuod ngayong 2010…
-imaginarium of dr. parnassus-alice in wonderland-iron man2-sorcerer's apprentice-despicable me-shrek forever after-daybreakers-the last airbender-

ilang araw na lang madadagdagan na naman ng 1 ang taon…
susunod na nyan ang lahat… ang edad, ang pollution, at baka ang size ng mga damit ko…dahil hindi naman siguro small ako habang buhay...

palapit na ng palapit ang 2012… Hala!!!
patanda na ng patanda ang mga tao…
darating na siguro ang araw na large na boxers ko…
pero kung iisipin… ganito din last year ah…
at ngayon ilang araw na lang matatapos na ang next year last year…

manigong bagong taon sa lahat…

ika siyam

yehey!!!

nagising naman ako ng maaga sa 9 na araw na dapat gumising ng maaga...
sa madaling salita... nakompleto ko ang 9 na simbang gabi...

sabi ko nga...
hindi kailangan gawing dahilan ang paniniwalang matutupad ang anu mang hilingin sa KANYA kapag nakompleto ang 9 na simbang gabi...

pero pagnakompleto mo...
sa oras na mag sign of the cross ka, hudyat na tapos na ang ika siyam na misa...
mapapawish ka...

nung unang nakompleto ko ang simbang gabi...
natupad ang hiniling ko...

so anu kaya???

sa 9 na madaling araw na nagdaan...
nakasabay ko sa simbahan...
-lola kasama ang apo na tulog buong oras ng misa...
-mag-ina na magkamukhang magkamukha...
-magsyota na ...
-mag-asawa na parang kalalabas lang ng kwarto...
-magsyota na ...
-at maraming marami pang magsyota...

tapos na ang simbang gabi...
at simula na ng dahilan kung bakit may simbang gabi...

magbigay... magpasaya... magmahal...

maligayang pasko sa lahat...

ixnine9

"No one can go back and start a new beginning but anyone can start now and make a new and happy ending"

-Anonymous


simbang gabi na...
kahit 3 oras lang ang tulog ko kagabi...
mabuti na lang at nagising pa din ako ng maaga kanina...
masyadong maaga para sa katulad kong lampas 1 taon ng nagigising ng 9:00 am araw araw...

sabi ng simbahan...
huwag gawing dahilan ang paniniwalang matutupad ang hiling pag nakompleto ang 9 na umaga...
ngunit...
anu pa man ang maging dahilan...
hanggat sa nakikinig ka naman sa misa at hindi lang naghihintay na matapos ito...
ang sakripisyong ginagawa ng paggising ng maaga...
ay ang magtutupad ng anu mang hihingin mo sa KANYA...

may isa pang dahilan kung bakit mas determinado ako ngayon...
dahil sa number 9...
2009 ngayon...
9 umaga... at
9 daw ang number ko... base sa numerology...
kaya hinding hindi ko palalampasin ang makompleto ang 9 umaga ngayong 09...


oprah or me?

i watched Precious weeks ago…
and a minute ago, i finished The Blind Side…

In Harlem, an overweight, illiterate teen who is pregnant with her second child is invited to enroll in an alternative school in hopes that her life can head in a new direction.

The story of Michael Oher, an homeless and traumatized boy who became an All American football player and first round NFL draft pick with the help of a caring woman and her family.

after i saw the latter, i can’t help but notice that there are quite the same in some ways… and i mean ways that are too obvious to even mention… well, if you already saw the two… you'll know what i'm trying to say…

the only thing that separates them… is the feel of the movie…
Precious is the kind that my friend hans liked to call “mabigat sa loob”...
The Blind Side on the other hand is the complete opposite whatever hans would like to define it..

although these 2 are oozing with so much hope…
sometimes i like movies that are happy all throughout not just it's ending…
and the blind side is surprisingly one of them…

but Precious is good too…
watched it if you’re one of the many people who believes in Oprah…
should you be "bilib" in my judgement… The Blind Side is way better…
oprah or me?
we all know the answer to that... or do we???

miss ko na kayong tatlo...

sabi nga...ang pasko ay para sa bata...

kaya naman mas namimiss ko mga pamangkin ko...
kahit naisip ko na mkakatipid ako ngayon kasi 3 regalo kaagad ang hindi mababawas sa allowance ko...
pero sa tuwing uupo ako malapit sa christmas tree, naaalala ko kung anu kaya ang bibilhin ko para sa kanila kung nandito pa sila...
hay...

tapos kanina lang nakuha ko OST ng bagong Alvin & the Chipmunks the movie...
at mas namiss ko sila...
dahil paborito nila yung unang movie...
hindi ko maiwasan na maisip na siguro tuwang tuwa din sila dito sa bago dahil, ang kasama sa soundtrack mga kantang paborito rin nila...
hay...

di ko maiwasang magisip dahil ako palagi ang kasama nila pag nanunuod ng mga bagong pelikula...
hay...

oh well...
usually nararamdaman kong pasko pag nagsimula na akong magsimbang gabi...
pero sa ngayon... mukhang napaaga ata...


Merry Christmas Goy-King-Rhen!!!
miss ko na kayong tatlo...

malas ko!!!

nuong lunes... kaarawan ng mama ko…
dahil sa ako ang mahilig bumili ng cake…
nung pauwi ako galing sa bakeshop sakay ng isang pampublikong sasakyan…
nahulog siguro sa bulsa ko ang aking cellphone…
nahulog siguro… may nakakita… at may nakakuha… hindi nga lang ako…

Happy Birthday Ma!!!

at isang malaking GOOD LUCK sa akin pag nalaman nila…
nakahiga ako buong hapon nun…
ngunit ng nagutom… kasabay si papa kumain…
wala na akong nagawa kundi ang sabihin ang ngyari…
sa sobrang kaba ko, handa na akong mapagalitan…
nabigla lang siya pero hindi naman nagalit…
hay…! papa down… mama to go…

mas kabado ako na malaman ni mama dahil…
yun ang pangalawang cellphone ko na binigay nya nung matataas ang grades ko nung college at nung aksidenteng masira ng roommate ko yung una kong cellphone…
graduation naman ng regaluhan nya ako ng isang PDA na nawala ko naman sa simbahan ng St. Jude, linggo bago ang Board Exam…

kagabi lang ng masabi ko sa kanya, dahil ilang araw niya na daw akong tinatawagan… hindi ko naman na kaya pang itago… dahil hindi ko naman mapapangatawanan na gamit gamit ko isang di-makontak na cellphone…
sa sobra sobrang kaba ko, handa na akong mapaglitan…
nabigla lang siya na may halong pagkalito kung anu ang nangyayari sakin pero hindi naman nagalit…
maalaga daw kasi ako sa mga gamit… at sentimental… at totoo pa naman yun…
malas lang siguro… at oras na ng mga cellphone kong mamaalam…

nasasayang ako dun sa cellphone ko pero sabi nga ng kaibigan kong nawalan din ilang buwan ng nakalipas ay, mas masasayang ka sa simcard…

kaya ngayon… minabuti ko munang huwag gumamit ng cellphone…
tipid… tahimik… at mapayapa ang buhay ko…
hindi na ako makokontak…
oras na bang mag-open ng account sa facebook???

hindi yata…

dahil nung araw ring yun pinahiram ako ng kapatid ko ng luma nyang cellphone(gaya ng nawala ko)… na hindi ko pa alam kung gagamitin ko o hihintayin ko munang makapagbabang luksa ako…

sabi nga… kung magmamahal ka… humanda kang masaktan…
gaya din yan ng...kung magkakaroon ka ng cellphone… humanda kang mawalan…
kung hindi mangyari… swerte mo!
kung mangyari naman… malas mo!

sa pagkakataong ito...

malas ko!!!