kung gusto mong...

isang araw karga ang pamangkin ko at dahil sa ayaw na magpababa…
kinarga ng parang isang taon sa sobrang tagal…

mabuti na lang at naiwan bukas ang tv di ko lang mahanap ang remote…

at hindi problema sakin na wala ang remote, hindi dahil sa gusto ko na pumunta sa harapan ng tv at mag manual pindot … ngunit dahil sa ok lang sakin manuod ng mga patalastas… minsan nga mas ok pa sakin ang mga commercials keysa sa kung anu ang palabas…
at dahil dito…

1.hindi ako bumibili ng produkto na walang patalastas.
2.magmomotor sa kalaliman ng gabi makabili lang ng snickers dahil nainggit dun sa nagbbreak dance.
3.at nadidisapoint kadalasan dahil naloloko ng mga patalastas. (high expectations)

kaya nuong araw na yun habang nanunuod ng tv karga ang pamangkin ko….
napagtanto ko na…

kung gusto mong…

magkaroon ng instant computer… manuod ka ng dora the explorer at hintaying may ipahanap saiyo si dora… at mabibigla ka na lang na may lalabas na arrow ng mouse na mas magaling pa nga dahil kontrolado ng isip mo… yun nga lang sa tuwing may ipapahanap lang si dora ka magkakaroon ng computer at yun eh kung tama ang sagot mo sa tanong niya...

kung gusto mong…

makaranas ng kasiyahan… simple lang at hindi lang dahil sa natural sa mga pinoy ito kundi nabibili lang sa mga 24 hours na mga botika kaya anytime basta may pera ka… mag enervon ka…(basahin ng pasigaw ito----Happiness!!!)

at

kung gusto mong…


makita si bitoy… siguraduhin lang na hugasan ang mga plato, kutsyara’t tinidor ng bareta at baka sakaling magpakita siya sumisigaw ng "may sabon!!!"… paalala lang kung gagawin ito, hinay hinay ang pagsubo at baka makain niyo si bitoy at higit sa lahat ang sabon…

3 Response to "kung gusto mong..."

  • gillboard Says:

    mukhang sobrang naadik ka na sa tv...

    la ka na atang ibang ginagawa... kakainggit. hehehe


  • ENS Says:

    dumating na ang araw na kinakatakutan ko... baka mukha na ngang adik sa buhok, baka totoo ng adik dahil sa sabi mo...
    at totoo wala na talaga akong ibang magawa...


  • Random Student Says:

    naku, puro TV na nga laman ng isip mo hehe. minsan gusto ko yung mga channels na 'di ko akalain nag-e-exist pala he-he. ansarap tignan how they're struggling to go on the air creative-wise pero may budget kaya on the air LOL.