totoo yung sabi nila na...


kauuwi lang naming galing hospital…
dinapuan kasi ng typhoid ang pamangkin ko na kung mag-e-srcoll down lang ay makikita pa ang masaya nyang larawan…

sabi ko nga kauuwi lang namin… meaning… ok na siya… may rashes pa… pero ok na siya… Salamat kay Lord...

pero dahil sa hindi niya naman blog ito… at marahil dahil sa selfish ako… ang tungkol sa iba ay gagawin kong tungkol sa akin…

at dahil nga sa ako ang dakilang tambay dito sa bahay…
wala akong karapatan umangal ng sabihing ako ang magbabantay sa hospital…
at dahil sa RN ako… dapat nga naman na ako ang magbantay kasama ng kapatid ko(mama ng pamangkin ko) na isa ring RN...

sa 3 araw na pamamalagi namin sa hospital…

may mga napagtanto ako…

1. sa lahat ng problema sa bahay… ang pinaka apektado ako ay ang may mga kinalaman sa kalusugan…

totoo yung sabi nila na what you don’t know wont hurt you… at sa akin… what i know will worry me…

2. kahit pala hindi ako masaya nung college sa course ko… kahit papano namimiss ko din ng kunti ang pagsuot ng puti at magduty…

totoo yung sabi nila na fake it until you make it… sa akin… fake it and pass the board…

3. ayaw ko man maging nurse pero isa na akong RN… napansin ko lang na parang mas magaling naman ako kahit papano sa mga nurses na na-encounter ko dun sa hospital… dahil ako, kahit ayaw ko sa ginagawa ko… hindi ko pinapakita(Sh*t ang plastik ko pala!!!) dahil ako nakikipagusap ako lagi sa mga pasyente at mga kamag anak nila tuwing papasok ako sa kwarto…

totoo yung sabi nila na Oh yes I'm the great pretender (ooh ooh) Pretending I'm doing well (ooh ooh)... kailanman hindi ako nagvideoke!

Tanda ko nuon: dahil sa bawal tumanggap ng kahit anu galing sa mga pasyente, ay inilagay ng pasyente kong lola ang isang napakalaking saging sa bulsa ko at nagbantang huwag na huwag kong ibabalik… may isa namang retired english teacher na ako lang ang kinakausap sa mga nurses on duty… at may isang ina ng pasyente na isa pa lang NSO official na natandaan ako at tinulungan ng minsang pumunta sa opisina nila…

masaya naman pala maging nurse…
masayang makatulong…
masayang makapagpasaya
ang malungkot lang…
hindi ako masaya…

Sh*t!!! selfish nga ako!!!!
Hay!!!!

7 Response to "totoo yung sabi nila na..."

  • Sweetham Says:

    aw, bat naman di ka masaya?!?? pero masaya ka naman sa ginagawa mo. Eh anong magpapasaya sau? ='(


  • wait Says:

    kaw ba yung nasa pic?


  • gillboard Says:

    balang araw ens, malalaman mo rin kung ano gusto mo gawin. maswerte ka nga, walang pumipilit sa'yo na gawin ang ayaw mo.

    chin up lang... darating din yung hinahanap mo...

    di ka selfish... nagpapakatotoo ka lang.


  • ENS Says:

    to sweetham: ewan ko ba... hindi ko alam, pero hindi ako masaya sa pagiging nurse... alam mo ba yung feeling na masaya kang papasok sa trabaho? ako hindi kasi hindi ko pa yun nararanasan... ang masama at isang taon na akong nagiisip isip kung anu dapat kung gawin... at wala pa ring malinaw na sagot..


  • ENS Says:

    to wait: yap ako nga yan.. 4 years ago siguro yan...

    to gill: oo nga.... siguro kaya naman hindi ko namamadali kasi ok lang na hindi madaliin, kahit nakokonsensya na ako, wala naman nagpapamukha sa akin na dapat nga ako makonsensya... salamat, i feel better now... hindi ako selfish...


  • Arvin U. de la Peña Says:

    maging masaya ka sana sa lahat ng bagay o ginagawa mo..ganun kasi ang buhay..dapat makontento sa kung ano ang work o anu pa man..


  • Random Student Says:

    professional ka lang. kaya lang di mo pa ma-apply job-wise hehe. i also had typhoid fever back in college kaya i can relate sa story. kaya pala nanahimik ka sa posting kasi nakatunganga ka sa ospital hehe