speechless

dahil parang lahat na lang katatawanan ang pinopost ko....
oras naman na siguro na mag drama....

sabi nga... "tawa ng tawa gusto ng mag asawa..."

ang masaklap... gustuhin ko man... wala namang papakasalan... hay... (iyakan!)

pero di yan ang dahilan kung bakit magpapaka emo(emotional - hindi ko alam kung ano talaga ang ibig sabihin ng emo)

ang kwento: mahaba...
ang buod ng kwento:
kanina napagalitan ako ng ama ko...
ang dahilan: di ko na sasabihin dahil isang walang kakwenta kwentang bagay...
ang maganda: kinausap ako ng ama ko... kahit pagalit...

ang nakaraan:
kung napanuod niyo ang dear john...
sa pelikula... nuong bata si john close sila ng ama nya... ngunit nuong magbinata siya... duon din nagsimulang magkaroon ng pagitan sa kanilang dalawa....
ako si channing tatum john
ganun din kami ng ama ko...
nuon... halos lahat ginagawa namin ng magkasama...
pero ng mag high school ako...
hindi ko alam kung paano o bakit...
pero hindi na lang kami nag-usap...
kahit magkatabi kaming matulog hanggang mag second year college ako...

may kilala rin akong ganito rin...
kaya naisip ko na ganun talaga siguro...
lalo na sa mga lalaking anak...

nuong umalis ang mga tao dito sa bahay...
may oras na nagmistulang library ang bahay namin...
naramdaman kong sinubukan naming mag usap ng hindi lang Q&A...
pero alam kong pati siya nailang... ewan... pero ako oo...
mahirap pala talaga pag nakasanayan mo na...

ganun lang talaga siguro...
hindi lang nga ideal pero we get by...

at sa ilang beses na napagsabihan ako ng ama ko...
kahit minsan hindi ako sumagot...
kahit sa mga oras na iyon ang isip ko ay naka defense mode...

magaling lang siguro akong magpigil kaya naman kailangan ng mag kidney care...

fyi: hindi ko po sinadyang galitin ang ama ko para lang marinig ko syang pagsalitaan ako...
sa sunod siguro...

1 Response to "speechless"