makatulog lang...
anu ano pa ba ang dapat gawin makatulog lang???
ngayon naiintindihan ko na ang point ni ryan tedder kung bakit hindi malakas ang album sales ni leona lewis...
simula ng magsimula ang taon na to, makailang beses na akong hirap makatulog sa gabi...
sa tingin ko lahat na ata ng paraan nagawa ko na makatulog lang...
ang paginom ng gatas ay hindi makakatulong dahil gabi gabi ako kung uminom nito...
ang pagligo bago matulog ay hindi rin dahil gawain ko na din ito nuon pa...
ang paginom ng sleeping pills ay out of the question dahil takot ako maging adik...
ang paglalasing ay epektibo sana kung walang sakit ng ulo pagkagising sa umaga...
minsan naipagdasal na din na sana maiyak baka sakaling totoo ang linyang "i cry myself to sleep"
madaling makatulog kung buong araw pagod ka...
eh kung hindi...
kaya't masasabi kong...
hindi madali ang maging tambay!!!
nuong minsang hirap na naman makatulog, naisipan kong gumawa ng playlist at matulog na nakikinig sa ipod...
at napansin na...
sa halos 300 na kanta sa ipod ko....
mangilan ngilan na lang ang pangpatulog...
mukhang nadelete ko na ang karamihan sa mga slow songs dahil sa pauso ni lady gaga kaya dumami ang mga bagong mid to uptempo songs ngayon...
may iba pa ngang magsisimula ng mabagal pag dating ng chorus club friendly na... e.g.,(perfect nightmare-shontelle)
hindi pa naman ako old soul... sentimental pero hindi sa mga kanta...
ang mga luma pa naman at mababagal ang pangpatulog dahil may maalala ka na magtutuloy tuloy na sa mundo ng panaginip...
pero bakit ganun?? ang mga mababagal na kanta din ang nagiging klasiks...
nakakanta ng mga young adult ang mga kantang kinahiligan ng mga middle aged...
kung sabagay... pag tumanda na mahirap namang kumanta pa ng bep o akon o david guetta!!!
p.s.
sa panahon ng mga club friendly songs...
kung gusto niyong maiba lang at gusto niyo rin ang just the way you are ni bruno mars...
ang waiting for the end ng linkin park ay siguradong pipilitin niyong imemorize, makasabay lang...
ok... higa na ko...!!
good night!!!

0 Response to "makatulog lang..."