BLOG entry # 67!
SURPRISE!!!!!!!!!!!!!!!
kaninang madaling araw nasurpresa ang mga pamangkin ko ng makita ang kapatid ko(at mommy naman nila)...
dahil walang nagsabi sa kanila na uuwi ito mula sa London kung san sya nagtatrabaho kasama ang asawa nya... OO, iniwan sa kapatid ko pang samantala ang mga pamangkin ko habang inaayos pa mga papeles nila para makapunta na rin sila sa yuropa...
ako lang ang nakakaalam dito sa amin na uuwi ito...
kaya't nakakatuwa ang mukha ng pamangkin ko ng makita ang kapatid ko...
para bagang panaginip lang at di sya makapaniwala nuong una ngunit ng yakapin nya ito ay wala siyang ibang nasabi kung hindi "mommy????!!!" na patanong na pagulat...
natuwa lang ako dahil.. halos ilang buwan ko ring linihim ang pag uwi ng kapatid ko...
at kinaya kong itago...kahit kagabi di ako makatulog sa sobrang excitement sa kung anu ang magiging reaksyon ng mga pamangkin ko... at worth the wait nga naman...
kaya napaisip tuloy ako na baka kayang kaya kong magtago ng sekreto...
welcome home ate!!!!
salamat sa wireless router ko!!!