BLOG entry # 93!

parang ang tagal ko ng di nakaka pag post...
mabuti na lang at nagbrown out ang remote ng tv ko...
nakalimutang bumili ng battery...
kaya sa katamaran ay hinahayaan na lang sa isang estasyon ang telebisyon...

at dahil dito...
may maipopost na ako...
at ito ay utang ko sa roommate ko...
na pamangkin ko...
na paborito ko...

ito ay tungkol na naman sa mga patalastas na may glitch...
siguro ito ay pangatlo na sa mga nasulat ko sa subject na ito...
at OO halos lahat sa mga yun ay pinagsamang obserbasyon ko at ng pamangkin ko... itago natin sa pangalang banggoy!!!

kaya naman ito ay papamagatan kong "sabi ni Goy!..."


una: ang patalastas ng Globe...
yung may mga candid interviews ng mga ordinaryong pilipino na syempre gumagamit ng globe at walang ibang sinasabi kundi magagandang bagay dito... tapos may isang lalaking nagsabi na kahit maingay daw ay naririnig nya pa din ang kausap nya, nagpapahiwatig lamang na malinaw ang reception...

sabi ni Goy!: "di ba sa volume yan ng cellphone nakasalalay???"
sagot ko: OO nga no!!!

pangalawa: ang patalastas ng Rexona ...
si angel locsin pinapakilala yung maliit na rexona... handy at matipid daw... nabangggit nya na one peso per day... at mabibili sa halagang 28 pesos...

sabi ni Goy!: "28 days lang ba ang isang buwan? february pala lahat kung magkataon..."
sagot ko: OO nga no!!!

pangatlo: ang patalastas ni Mar Roxas...
nagpapadyak na bata sakay ang kapatid na batang babae at si Mar... nagkatanungan sa mga pangarap... sagot ng batang tsuper, sea man, at artista naman sa nakakabatang kapatid...

sabi ni Goy!: "yung pangarap ng batang babae madaling matutupad dahil lumabas na siya sa commercial..."
sagot ko: OO nga no!!!

alam ko na mas matanda ako sa pamangkin ko...
at hindi ako "YES MAN" nya...
OK OK...!
siguro minsan...
eh anu naman...
panganay kasi siyang anak...
at ako naman bunso...
do the math...

2 Response to "BLOG entry # 93!"