a.?b.?c.?d.?

eto na naman ako… parang sirang plaka… parang sirang plaka… parang sirang plaka…

hindi ko kasi maiwasan na maisip na bakit kaya hirap akong mag move on…
pati si gill parang galit na dahil di ako makamove on…

kaya ginugol ko ang nakaraang dalawang araw magmuni muni kung bakit nga ba ganito ako…

nung isang araw, ng ilagay sa lap ang laptop, nakita ko ang mga pictures nila: katrina halili, rihanna at chris brown.

nang bumungad sa harap ko si Katrina halili, kahit pictures nya bilang fedra ang nakita ko, ang una kong naisip yung nangyari sa kanya(hindi yung nangyaring PG) OK! OK! yung nga!

nang nakita naman si rihanna sa music video ng bagong single ni jayz, yung bugbog saradong mukha naman nya ang laman ng isip ko hanggang matapos ang buong kanta… kahit mukhang palaban siya sa music video...

nang magleak naman ang mga bagong kanta ni chris brown, na kahit litrato nya ay yung nakangiti na hawak hawak ang aso niya, naiimagine ko kung panu nya binugbog si rihanna, yung mukhang galit na paulit ulit ang pagsapak ng pag sapak sa kawawang ex gf… pero tuwang tuwang pinapakinggan ang mga kanta nya dahil sa totoo lang magaganda naman kasi…

in short all the time” naka anu ang una mong naiisip kapag…?”-mode ako… kung anu man yun di na ako nakakaalis pa… fixated na kung baga...

sa totoong buhay naman… minsan ng makachat ang isang matalik na kaibigan na nasa london na ngayon, natandaang hiningian ako ng updates ng mga classmates namin sa college, kung anu na mga pinag gagagawa nila, nabigla na lang ako dahil halos alam ko pala lahat ng hindi namamalayan. na kahit halos dalawang taon ng di nagkikita kita, may alam pa din ako sa kanila, may load lang siguro ako pangtext sa kanila… kaya in touch pa din...

parang nakakabahala na in a way pero on the bright side walang limutan...

speaking of...
last month, habang nasa maynila nakipagkita sa mga kaklase nung high school, at kahit lahat sila may mga trabaho na ang tingin ko sa kanila gaya pa rin nung dati at ang nakakatuwa ganun pa din talaga sila… hindi ko alam kung di sila nagbago o dahil sa kami ang magkakakasama kaya parang walang pagbabago… in short, mga asal high school pa din...

napaisip tuloy ako kung nagmature man lang ba ako kahit kunti...

kanina habang naghihintay naman ng load, kinalikot ang cellphone kaya nagawi sa gallery at nakita na may mga pictures pala ako ng halo halo ng razon’s, ang bago kong kinababaliwan tuwing nasa maynila…
at nagsimula ng matakam… sarap kasi nito… na kahit binabagyo na talagang lumalabas ako para kumain lang ng halo halo… paguwi naman ng bicol, pinagisipang mag franchise nito na hanggang plano lang dahil palamunin pa din ako hanggang sa mga oras na ito... in short incapable of managing a business let alone opening one...

pano nakapunta sa halo halo??
nagccrave lang siguro ako kasi isang buwan na ang nakalipas mula nung last kong pagkain sa razons... nasa isip ko pa din yun lalo na pag sobrang init...

baka nga ako na ang hari ng stuck… hindi makamove on…

ngunit ang pinakamalaking question mark?
bakit nang magbreak kami ng ex ko…
lahat ng kaibigan ko bilib and/or galit sakin kasi bilis ko daw maka move on…

anu nga ba ako…?
a.Hari ng stuck
b.Great Pretender
c.isang blogger na sulat lang ng sulat kahit wala ng sense
d. all of the above

0 Response to "a.?b.?c.?d.?"