kapag tambay ka...

dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang tawag na makakapagbago ng buhay ko...
tambay pa din ako...
palamunin...
walang kwenta...

hindi naman ganun ka miserable ang buhay ko... pala...

dahil ang buhay tambay...
nauutusan gawin ang kung anu anung bagay...
pinapaggrocery at pinagbabayad ng mga bayarin... sa madaling salita alipin by default...

ok, medyo miserable ata yun ah...
pero may bayad naman kasi yun... hindi lang nga fix ang sweldo, dahil ang buwanang kita ay nakadepende sa kung ilan ang pwedeng makupit...

at masasabi kong nabubuhay naman ako nito...
mabuti na lang at wala pa akong naanakan...
kung magkataon, matinding pangkukupit yan... siguradong kulong ang abot ko...

sa seryosong usapan naman...
kung tambay ka din...
marami kang oras na...

magexercise- simula ng matapos ang training ko sa isang hospital pinangarap ko ng mag gym o kung hindi man kahit mag jogging lang tuwing umaga, nagigising nga ng maaga yun ay para lang matulog ulit... sinayang ang mga umaga na sumikat si haring araw, pinangako pang kapag maganda ang panahon magjojogging na talaga... ngunit, inabot na lang ng tag ulan kahit brisk walking o walking sa labas ng bahay hindi nagawa... sana lang tumigil na paglaki ng tiyan ko at ayokong maging police...

kaya tama... kapag tambay ka... marami kang oras na sasayangin...

sa mas seryosong usapan...
kung tambay ka din...
marami kang oras na...

magsimba- hindi katulad ng may mga trabaho na tuwing linggo nagpapahinga pa din sa pagod, kaya hindi linggo linggo ang pagbisita sa simbahan... ako dahil wala pang trabaho, walang mairarason kay Lord para di makapagsimba... simula nung maging classmate ko ang pinsan ko pala na galing sa catholic school, nagnonovena na ako diretso simba tuwing bakante ang miyerkules ko nuon... at ngayon na bakante talaga, ginagawa ko na naman ulit...
at kanina nga galing ako ng simbahan dahil birthday ni MAMA MARY...
dahil naalala ko na parang naisagot ko ito sa quiz namin nuon sa religious education na kasama sa mga araw na obligado ang mga katoliko na magsimba... yung nga lang hindi ko matandaan kung tama yung sagot ko...

kaya tama... kapag tambay ka... marami kang oras na magmuni muni ng nakaraan...

and again...

HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY!!!

2 Response to "kapag tambay ka..."