para fair.

ikaw bay di pa makapili?
naguguluhan at di sigurado kung sino and karapat dapat na iboto?
yan eh kung boboto nga?
eto…
3 simpleng paraan kung pano ka makakapili…
para mas madali na ang proseso… gawin kaagad ang 1. process of elimination…
dapat may isa o mas marami ang nabawas sa listahan ng posibleng iboto.
para sa mga natira, tanungin kung sa mga jingle ba nila, 2. alin ang pinakamaganda?
kung lahat ay napapakanta ka??
problema na yan!
kaya...
3. subukan yung laro na may magtatanong ng sino o anu sa dalawa at kailangan sagutin ng mabilis.
pag nagawa ito lahat… siguradong may mapipili ka na…
kung wala… hindi nagawa ng tama ang 3 paraang nabanggit.
marapat lamang na ulitin hanggang sa magtagumpay…
(eto ay halatang biro lamang… pero pwedeng seryosohin)
sa tingin ko.
hindi makakatulong na pag aralan ang mga nagawa o ang pangako nilang gagawin kung palarin.
hindi pa man campaign period, alam na ng nakakarami kung sino sino ang mga gustong tumakbo.
kaya’t simula pa nuong mga oras na iyon, naglaro na sa mga isip ng mga tao kung sino ang sa tingin nila ang karapat dapat na pangulo.
habang tumatagal maaaring mabago ang isip, maaari rin namang hindi… dahil lahat naman sila pangako simula ng maging kandidato hanggang sa mga oras na ito.
ang importante…
kung nakapili ka na ng isa..
panindigan mo…
dahil chances are…
di nya magagawa lahat ng ipinangako niya.
magkakamali siya sa ilang mga bagay…
ito ang kapalaran ng mananalo...
kaya’t ang iboto mo…
yung sa tingin mo di mo iiwan…
dahil ang eleksyon di naman tungkol sa kandidato... tungkol ito sa mga boboto… kalokohan!
Ok 50/50! para fair.

.,ako nga hnd ko pa alam qng cnu bo2to q eh..,hayz..wla kc akong mkitang ka2iba sa knila ehh..,
apir ka dyan buti may tulad mong nakakaintindi ng eleksyon. the winner is not really the one who's powerful. it's the voters. eh napapaalis nga ng mga voters yung nakapuwesto na eh. only in the philippines.