sweet talk

nuong isang araw binisita ko ang isang kaibigan na may tindahan sa palengke...
nagusap usap... hanggang sa napagkwentuhan ang mga usaping palengke...
syempre... hindi maiiwasan ang usaping asukal...
ang sabi ng kaibigan ko ang laki daw ng itinaas halos 100%...

dahil sa hindi naman ako ang namamalengke sa bahay...
hindi ko malalaman ang totoong epekto nito...
dahil sa hindi ako naglalagay ng asukal sa mga iniinom ko...
hindi ko ulit malalaman ang totoong epekto nito...

hanggang sa naalala ko ang isang patalastas...
oo! wala pa ring patalastas ang nakakalampas sakin...


at kanina may napansin sa ininom na gatas...
oo... isa akong laking "uso"
parang kulang sa tamis ang gatas ko...
sa parehas na dami ng gatas sa parehas na baso... nagiba ng kunti ang lasa...

hindi kaya...??
yung dami ng asukal na nakuha ni suzie sa mga test subjects niya... nabawasan na???

sana makagawa siya ulit ng test sa mga gatas ngayon... upang makita na hindi na malaking tanong ang kung anu ang binabayaran ng publiko gatas o asukal...

heto tayo...
problemado...
pero ang totoo solusyon ang naipagkaloob sa atin nito...
(as far as this commercial is concerned that is...)

0 Response to "sweet talk"