kung ako si oscar

sa loob ng isang linggo hindi bababa sa 3 pelikula ang napapanuod ko... yung iba masasabing sikat, ang iba maaaring ilan lamang ang nakakaalam...
ngunit ang sigurado may pangit at may maganda...

bakit nga ba pinapanuod ang isang pelikula?
1. napagsabihan o nabalitaang maganda ito
2. nadala ng trailer at/o ng poster at
3 dahil sa mga bida nito...
at kapag nakuha ka ng mga nabanggit... dalawa lang yan;
1. nagandahan ka... o
2. napangitan(maaaring di masyadong pangit ngunit kung di ka nagandahan, yun na din yun)

sa dami ng mga pelikulang napanuod ko...
eto ang ilan sa natandaan kong akala ko pangit ngunit di pala...
1.book of eli
2.the spy next door
3.500 days of summer
4.district 9
5.watchmen

at eto naman ang akala ko maganda ngunit di pala...
1.twilight
2.cirque du freak: the vampire's assistant
3 harry potter and the half blood prince
4.g.i. joe: the rise of the cobra
5.the box

sabi nga iba iba ang panlasa ng tao...
at hindi mo malalaman kung maganda o hindi ang isang pelikula kung di mo papanuorin...

nung isang araw tinanong ako ng isang kaibigan kung maganda raw ang the hurt locker??? at malamang daw napanuod ko na... at dun ko din naisip na lahat pala nung 10 pelikula na nominado para sa best picture sa oscars napanuod ko na...
1. a serious man - nakakatawa (ironic!)
2. an education - maganda yung bida(swerte ni shia)
3. avatar - alam niyo na yan
4. district 9 - nakakabilib
5. inglourious basterds - kakaiba
6. precious: based on the novel push by sapphire - mabigat
7. the blind side - magaan
8. the hurt locker - super ganda
9. up - maganda
10. up in the air - walang kwenta

kung ako si oscar, avatar ang ipapanalo ko...
pero si sandra at jeff din ang best actress at actor...
at the weary kind din ang best original song...

3 Response to "kung ako si oscar"