kahit walang kwenta

sa mga nakaraang araw...
nakakapanuod na naman ako ng tv...
dahil sira pa rin ang laptop ko...
tv na lang ang napagbabalingan ng oras...
sa ayaw o sa gusto ko...

at sa mga araw na nagdaan...
kapansin pansin ang bieber fever at yung mga tao sa first time...
sa madaling salita... namamayagpag sa panahong ito ang mga bata...
tapos, hindi mo din maiiwasang hindi mapansin ang nagpapapansin na mga jejemon...
na maaring isa lamang bunga ng murang pagiisip... in short ng mga bata... ulit...

nakita ko rin na hati ang opinyon ng mga tao sa mga bagay na ito...

para sa akin...

walang ibang dapat sisihin kundi... yung mga nakakatanda...

sino bang nagpauso ng...

i believe the children are our future...

at ng ang kabataan ang pag asa ng bayan...

at ng hanggat may bata may eat bulaga...

sa totoo lang...

hindi naman talaga ito isang issue na dapat pag usapan...
wala lang akong maiblog at hindi pa ako sanay na magsulat sa ibang computer...
basta may maipost lang... kahit walang kwenta...

2 Response to "kahit walang kwenta"