BLOG entry # 5!
isang araw nung isang taon ng naiwan ang kawawang probinsyano sa probinsya magisa tuwing linggo dahil ang kanyang syota ay magtatrabho na sa isang malaking syudad... naghanap siya ng makakasama tuwing linggo sa pagsimba... at nakahanap siya sa katauhan ng kanyang pamangkin na malapit sa kanya... linggo linggo sinasama nya ito nagbabakasakali na maiibsan nito ang kalungkutan na unti unting lumalamon sa kawawang probinsyano... at hindi naglaon ay naging kampante ang probinsyano at nakalimutan na may lumisan... sa sobrang kampante ay nasobrahan din sa pagkalimot kaya sa kasalukuyan ay walana syang syota... ngunit hindi ito tungkol sa love story ng probinsyano... kaya't lilihis na tayo sa pagsimba... sa mahigit isang taon na pagsasama ng probinsyano sa kanyang pamangkin at hanggang sa mga panahong ito ay ang pagsabay lang sa pag kukrus ang kanyang nagagawa at wala ng iba... at maaaring isisi ito sa probinsyanong wala ng syota sapagkit naniwala siya kay BO SANCHEZ... OO... kay BO SANCHEZ, dahil ang probinsyanong wala ng syota ngayon ay mahilig magbasa ng KERYGMA noon, at nabasa nya na kapag magsisimba kasama ng isang bata ay huwag itong pilitin o pagalitan sa paglilikot o paglalaro dahil ang totoong simbahan ay sila... OO... sila bago ang misa... nuong una ay hindi ito malinaw para sa probinsyanong wala ng syota ngunit sa linggo linggo na kasama nya ang kanyang pamangkin ay unti unti itong nabibigyan ng linaw... hanggang kahapon... ng nanawagan ang pare na pagsabihan ang mga bata na iwasan ang paglalaro sa simbahan dahil may ibang tao pang nagsisimba bukod sa kanilang pamilya na halos lahat ay walang kasamang bata hindi katulad nila at sinabi pa ng pare na kung hindi ito gagawin ay wala ng pinagkaiba ang simbahan sa isang palaruan... at tama naman nga ang pare... kaya't napaisip bigla ang probinsyanong wala ng syota kung anu ang gagawin nya tuwing magsisimba... si Bo ba o si Father...? si Father ba o si Bo?... at kahapon lang nakapili ang probinsyanong wala ng syota... si Father ang sinunod nya dahil napagisip isip nya na hindi na naman bata ang kasama niya tuwing linggo... 1 taon na ang iginulang ng kanyang pamangkin kaya't hindi na sya angkop sa mga batang tinutukoy marahil ni Bo... at tama nga siya dahil napagsasabihan na nga ang kanyang munting panakip butas... makakaasa ang mga nakakasabay nila ni probinsyanong wala ng syota na mababawasan na ng isang batang malikot sa simbahan, ngunit hindi nito masisiguro na nabawasan nga sa kadahilanang may bata naman na noon ay karga karga at ngayonay 1 taon ang iginulang na kaya ng maglakad o magtatakbo at magsisigaw sa simbahan... kaya't patas lang sina Bo at Father...

0 Response to "BLOG entry # 5!"