BLOG entry # 6!
ako at ilan sa mga wala pang trabaho kung klasmeyt ay nagkita kanina para magpulong tungkol sa papalapit na BATCH party namin sa desyembre...
at ito ang aming napagusapan...
marami...
at ilan sa mga yun ay ito...
1. na si jezah na saka si ruscel ang assigned para maghanap ng pagdadausan ng party, sila ay magsasabi na lamang kung meron na silang nahanap...(tayo'y magdasal sa ikakatagumpay ng lakad nilang ito) ang aming napagkasunduan ay dapat sa isang lugar na madaling puntahan at kasya ang mahigit 150 na tao... aalamin din nila ang mag serbisyo na ipinapagkaloob nito... uulitin ko... lahat tayo ay maaaring magdasal para sa kanila na naway mahanap nila ang isang mura, malinis, malaki, malamig, malapit, at magandang lugar... sabi ko nga lahat tayo'y magdasal... NO PRESSURE jezah and ruscel!
2. na wala pang gustong tumanggap ng ibang pamumunuang komite dahil hindi pa ganun kalinaw ang totoong gagawin; kaya't ang napagkasunduan namin ay mga suhesyon lamang... at ito ay ang mga sumusunod... a. ang tarp, deco at invitation ay pagiisahin na lang. b. ang truck ay darating na lang yan kaya't huwag munang problemahin. c. na ang maging tema ng party ay BLACK and WHITE ball a pre new years eve get together. d. na kung maari ay magpulong ang mga KAYO at magpulong din KAMI sa isang araw lamang para lahat ng tanong ay masagot... (ipagdasal din nating lahat na sana ay ipagkaloob sa atin ang araw na nabanggit) e. na maghahanap pa lang kami ng mga tao sa mga section para mapagsabihan tungkol dito at mapagkuhanan na ng kontribusyon. f. na maaaring 150 pesos din ang hihingin natin sa mga makakadalo.
maaring tandaan na lahat ng ito ay suhesyon lamang na mababago at mapapalitan....
(sa pagpupulong na naganap sa gitna nito ay ang walang humpay na tawanan sa pag alala ng mga nagyari nung tayong lahat ay nasa pangatlong palapag ng isang gusali)
3.na hindi pa malinaw sa amin ang gusto ninyong mangyari... kaya't mahirap ito... ay hindi pala... napakahirap nito... at alam namin ngayon lang kami nagparamdam at humihingi kami ng despensa... ngayon lang kasi kami nabakante... at dahil sa kami naman ang gagawa ng halos lahat minabuti na namin na mabakante... at dahil sa kahit papano kami ay nabakante... kami ay handa na para dito...

salamat ken...
uda pa ngani barita kanda sadto manila kaya dire pa kita maka move forward...
salamat for visiting...
continue visiting...
nice tagalog wordings..hehe.anyway mabuti naman at kahit papano ay may natatahak na tayong direksyon ukol sa nalalapit nating pagtitipon.akoy magagalak kung patuloy mo akong patnubayan tungkol sa mga kaganapan