the last house on the left...

martes ng gabi..
isang kagimbal gimbal na pangyayari ang naganap sa bahay namin...

nasira ang laptop ko...
kaya hindi ako makainternet...
ipinagdasal na sana maayos pa kahit papano...

at nangyari nga...(obviously dahil nakapost na ulit ako)
lakas ko nga siguro kay LORD...
kaya pala ang mga kaibigan ko pag may ipinagdarasal... sinasabihan ako na ipagdasal ko rin sila...
o baka nagkataon lang... nagkataon lang nga ba??

anyway...
nuong lumipat kami sa bahay namin ngayon maraming taon na ang nakalipas...
wala kaming kapitbahay...
bakanteng lote sa kaliwa... bakanteng lote sa kanan...

mukhang malungkot... pero tahimik...
ngunit ngayon...
magkakaroon na kami ng kapitbahay...
mag dadalawang buwan na ng simulan ang construction sa tabi ng bahay namin...

kanina habang nagpapahangin sa labas napatingin sa bahay sa kanan...
at nag day dream...
ng isang dream house...

at ito pala ang dream house ko...

bahay sa charmed (attic) plus bahay sa kyle xy (living room, garage) plus bahay sa OC (kitchen) plus bahay sa ghost whisperer (master bedroom) plus bahay sa 90210 (CR, 2 rooms) plus bahay sa the stepfather (stairs) plus mini theater..

tapos nagising na ako...
sa katotohanan...
na ngayon...

ito na muna..
ang bahay na iniwan na ng mga kapatid ko...

the last house on the left..

the last house on the left of the unfinished house that is...

2 Response to "the last house on the left..."