yun nga lang...

bakit kaya ganun???

kahapon...
nang matawag ang Philippines sa top 15... natuwa!
nang makapasok sa top 10... kinabahan!
nung sa top 5 na... umasa na!
na sana makuha ang title.
nang mag 4th runner up... nadismaya!!! (don't get me wrong... natuwa pa din ako... lalo na't bicolano ako at malapit pa sa bayan ni venus..)

yun nga lang...

dahil...
sayang...
ang lapit lapit na...
kunti na lang...

para yung isang kaibigan ko...
na ewan ko ba kung bakit sakin nai-kwekwento ang mga pinagdaraanan niya sa pag hahanap ng trabaho...
kahit... "i know the feeling at been there done that" ang lagi kong nasasagot sa kanya...

anyway...
ang kwento niya...

nang tinawagan siya for phone interview... natuwa!
nang makatanggap ng balitang nakapasa siya dun... kinabahan!
nung sabihang for medical na siya... umasa na!
na sana magtuloy tuloy na...

madaling tanggapin ang kabiguan
kung sa una pa lang alam mo ng wala ka ng laban
ngunit pag pinaramdam saiyong may panama ka at sa huli ay kakaposin ka din pala
malamang masasaktan ka...

maaring bukod sa gawa...
kailangan din natin ng swerte...

sabi nga ni bossing...

"ok lang kung gutom ka! dahil... lilipas din yan..."

1 Response to "yun nga lang..."

  • The Philippine Guild Says:

    s'ya na talaga daw ang projected winner. a good expression of her answer na lang ang kulang at announcement then yun na pero yun nga -- relative ang expression and the judges thought that the expression of the rest of the four finalists ay mas ok kaya ayan na nga ang nangyari.