caption this...


this was taken few months back by my nephew(the eldest of five and a fetus pamangkins i have and will have respectively) the one on the photo is the youngest of the five, fetus excluded of course...

that day my nephew just decided to post as a photographer, grabbed the camera ,a few clicks gone and he got this…

we all laugh at it for obvious reason… i mean… who wouldn’t…
its his first birthday today…

HAPPY BIRTHDAY Jat!!!

may you have many more birthdays to come…

i love you…

ngunit bakit

ngayon ay pangatlong araw na hindi umulan dito samin…
mainit pero sa tagal ba naming umulan at bumaha pa ay masaya na ko sa ganito…
ilang linggo na ding ondoy pepeng ang laman ng balita…
kagaya ng ah1n1, wala kang hindi malalaman tungkol sa estado ng mga lugar na nasalanta…
halos lahat ng estasyon sa tv may kanya kanyang helpline sa mga gustong tumulong…
nakakatuwang malaman na marami ang nagaabot ng kanilang serbisyo sa mga biktima ng bagyo…
medyo may mga naiinis naman sa iba na kung susuriin ay mukhang nagpapakitang gilas sa mata ng publiko…
ngunit kung susuriin ng mas mabuti, bukal man sa loob nila o hindi ay nakakatulong pa din sila… at yun ang mas importante higit sa anu pa mang hidden agenda kung meron man…

dito… hindi namin naramdaman ang bagsik ni ondoy, ngunit ng dumating si pepeng, umulan ng may kasabay na hangin na malakas… ngunit bumaha dahil sa dam na may hindi gaanong kalayuan samin… na sa tingin ko ay ang nagpalala sa mga pagbaha sa lahat ng lugar na nadaanan ng 2 bagyong ito…

nung kasagsagan ni pepeng, halos lahat ng text na nababasa ko galing sa mga kaibigan ko ay maghintay dahil kung di tumigil ang ulan sa kani kanilang lugar ay magpapaka christine reyes sila, kaya’t siguraduhin ko daw na activated ang gprs ng cellphone ko… ang sabi ko naman meron ba kayong richard?

tuwing may bagyo…
sinisiguro ko na meron akong makakain na knick knacks milk flavor…
nagsimula ito nung bago pa lang ito sa merkado at paparating naman si bagyong rosing…
dahil sa pamilya kami ng mga madaling mauto ng patalastas, bumili ang kapatid ko…
nang dumating na si rosing, bumaha, nakulong sa bahay na may maraming knick knacks at yun na…

hindi naman siya ganuon kasarap pero tuwing may bagyo o kahit malakas lang ang ulan sumasarap siya…

at sa nakaraang mga araw… wala ng bagyo… wala na ding ulan… mainit… ngunit bakit masarap ang sardinas?

kung gusto mong...

isang araw karga ang pamangkin ko at dahil sa ayaw na magpababa…
kinarga ng parang isang taon sa sobrang tagal…

mabuti na lang at naiwan bukas ang tv di ko lang mahanap ang remote…

at hindi problema sakin na wala ang remote, hindi dahil sa gusto ko na pumunta sa harapan ng tv at mag manual pindot … ngunit dahil sa ok lang sakin manuod ng mga patalastas… minsan nga mas ok pa sakin ang mga commercials keysa sa kung anu ang palabas…
at dahil dito…

1.hindi ako bumibili ng produkto na walang patalastas.
2.magmomotor sa kalaliman ng gabi makabili lang ng snickers dahil nainggit dun sa nagbbreak dance.
3.at nadidisapoint kadalasan dahil naloloko ng mga patalastas. (high expectations)

kaya nuong araw na yun habang nanunuod ng tv karga ang pamangkin ko….
napagtanto ko na…

kung gusto mong…

magkaroon ng instant computer… manuod ka ng dora the explorer at hintaying may ipahanap saiyo si dora… at mabibigla ka na lang na may lalabas na arrow ng mouse na mas magaling pa nga dahil kontrolado ng isip mo… yun nga lang sa tuwing may ipapahanap lang si dora ka magkakaroon ng computer at yun eh kung tama ang sagot mo sa tanong niya...

kung gusto mong…

makaranas ng kasiyahan… simple lang at hindi lang dahil sa natural sa mga pinoy ito kundi nabibili lang sa mga 24 hours na mga botika kaya anytime basta may pera ka… mag enervon ka…(basahin ng pasigaw ito----Happiness!!!)

at

kung gusto mong…


makita si bitoy… siguraduhin lang na hugasan ang mga plato, kutsyara’t tinidor ng bareta at baka sakaling magpakita siya sumisigaw ng "may sabon!!!"… paalala lang kung gagawin ito, hinay hinay ang pagsubo at baka makain niyo si bitoy at higit sa lahat ang sabon…

Transformers3 07/01/11


just read this this morning...
i know some was disappointed with transformers 2, but i wasn't...
so im pretty excited about this one...
i know from the moment shia told in a red carpet in japan during the premiere of TROF that the next one will be intergalactic... but i have my doubts... until now...

posted morning of october 1st...
Well its official: We have a great Transformers 3 story. The release date is now July 1st 2011. Not 2012.

Today is Day One. This morning started with an ILM meeting for five hours in San Francisco. Currently I'm flying with writer Ehren Kruger to Rhode Island to talk to Hasbro about new characters.

P.S. Megan Fox, welcome back. I promise no alien robots will harm you in any way during the production of this motion picture. Please consult your Physician when working under my direction because some side effects can occur, such as mild dizziness, intense nausea, suicidal tendencies, depression, minor chest hair growth, random internal hemorrhaging and inability to sleep. As some directors may be hazardous to your health, please consult your Doctor to determine if this is right for you.

Pain and Gain is right after shooting of Trans 3.


Michael
source

we can only speculate so much about the story and characters(aliens and earthlings)...
as long as i know that there is transformers 3 im fine with that...
wow!!! 2011 is 2 years from now... thats a long wait definitely...
Transformers 3 o7/01/11

---------------SEGUE----------------

my other waiting was over when chris brown released his first single i can transform ya feat lil wayne & swizz beatz few days ago... and this one disappointed i am... it's kinda good but considering his current status, he needed something greater than great that could make people forget that he was the guy who punch rihanna not once but a lot of times... ok... im not his number 1 fan, but i am a fan of his music... and what he did... not cool... nevertheless im still hoping his album has great tracks on it...

crowning glory...

nang matapos sa highschool...
nag college...
malayo sa bahay...
at nagpahaba ng buhok...(may konek ba???)

high school pa lang...
gustong gusto ko na magpahaba..
kaya lang strikto ang school namin sa grooming...
at mas lumayo ang posibilidad ng sumali sa pmt... mas pinaikli pa nga...

kayat ng nagcollege...
nagpahaba ng buhok...
tuwang tuwa ako nun dahil sa wakas natupad na din...
at kapag natutuwa ka...
malamang matatapos din...

makaraan ang isang taon...
kinailangan ko ng magpagupit...
kagaya ng dati... dahil dapat...
magsusuot na kasi kami ng puting uniform...

lumipas ang 4 na taon...
dahil sa magrereview lang naman...
at hindi kailangang maikli ang buhok...
kayat nagpahaba ulit...
hanggat sa nakapasa...
ang totoo nga ay pati ang picture sa lisensya ko naka pony tail pa...

ilang buwan ang lumipas...
kailangan ng magtraining sa hospital...
kaya... nagpagupit na naman ako...

matapos ang 4 na buwan...
kinailangan ang serbisyo ko sa pag asikaso ng mga papeles ng aking mga pamangkin...
pabalik balik sa maynila di naman requirement ang maikling buhok...
kaya nagpahaba na naman...

ng sinabihang kumuha ng pasaporte...
napag desisyunan ko na magpagupit na lang...
kahit sa pagkakataong ito hindi naman kailangan...
para desente naman... ayokong mapagkamalang adik(hindi dahil lahat ng adik mahahaba ang buhok) ewan ko ba...

ilang buwan ang nakalipas...
nag apply...
at ngayon nag hihintay ng tawag...
mahaba na naman ang buhok ko...

iniisip ko kung bakit gustong gusto ko mahaba ang buhok ko...
kahit parehas lang na magastos... kung mahaba - conditioner, kung maikli naman - gel...
siguro dahil, sa buong buhay ko... sinusunod ko lahat ng sabihin sakin...
dapat ganito, ganyan... sa totoo lang hindi pa ako nalate o nag absent man lang sa mga naging klase ko... at sinunod ko din kagustuhan ng mama ko na mag nursing ako...

ewan ko ba...
sa mga oras na mahaba ang buhok ko...
makailang beses na akong sinabihan ng mam, ms, at kanina lang madam naman...
pero, dahil sa mahaba din ang buhok ko...
nakaka tago ako sa mga taong gustong iwasan...
kanina paguwi sakay ng van, nakita na tatabi sakin klasmeyt ko nung elementary...
wala akong utang sa kanya, o kasalanan...
ayoko ko lang siyang makausap... makipagkwentuhan sa 40 minutong biyahe...
isa siya sa mga hindi ko gusto sa klase namin nuon...
hindi mabait, nakakatakot at matalino(hindi sa masama ang maging matalino pero sa kaso niya oo, nuon)...

sana lang hindi nya ako namukhaan kanina...
kasi kung ang tingin ko sa kanya dati lang...
malamang ang tingin nya sakin dati din...

kaya lang... dahil sa mahaba ang buhok... posibleng hindi...

and so the story continue...
the story of my so called...
crowning glory...

watch and hear here...

every morning my niece and nephew watched wonder pets on tv 5...
after that it's time for me to play my ipod and eat my breakfast...
this morning i noticed that i have many song covers...
songs that are sang by another artist making them sound interesting and even better...
that exclude the ones from boyce avenue and american idol...
i have the veronicas version of a jonas brothers original, the fray doing kanye west, lady gaga singing a coldplay hit and a lot more...

apparently lady gaga doesn't just do other songs brilliantly she also has brilliant songs herself that are made into...

this...

better show than speak of...

chris daughtry did this months ago... i always been a fan of the band since home... and hearing him do an unconventional let alone a "you never thought of" him singing is pretty much impressive...

the latest to my playlist is another lady gaga song done by another chris, this time it's chris wallace from the white tie affair... who did a great job... really... watch and hear here...

it's funny because paparazzi is the newest song my niece sing along with, so i play it quite often if not everytime... even with this version she still know the words, and by words i mean only her and the likes of her(2 year old kids) babbles...

so if anyone knows a song covered...
let me know...
i would love to add them to my growing list...

the song should be known to many if not all and sang by another artist known also to many if not all and ultimately must not be an OPM...
im sorry...
but im still am proudly pinoy...
just not in this department...

wait....


PLOT: Intertwining couples and singles in Los Angeles break-up and make-up based on the pressures and expectations of Valentine's Day.

i read about this a long time ago...
this ain't my type of a movie...
im into sci fi and mostly fi alone...

but when i saw the trailer, this morning...
i know i will be watching this for sure... since i have a feeling that i won't be having a date on valentines...
i think this is going to be a nice distraction or a reason to pretend that i won't be distracted that day... that is, if it will be shown here same day in US.
oh well, only one way to find out...

wait...

besides who needs a date...
ok... a lot of people surely do...
am i one of those people?
maybe yes...
maybe not...
i don't know...
oh well, only one way to find out...

wait...

P.S.
taylor swift(the one everybody sympathizes with) is also in this movie along with taylor lautner(the dog in twilight)...

in a conundrum...


i've been posting stuff about me being an unemployed up to this moment…
i applied to something that i know i will be happy and what i believe is the place i belong...
so i never consider trying anywhere else...
sadly, im still waiting for their call!!!
i hope they do it soon though…
or later… that’s fine too…

i am not looking this time because i convinced myself that anytime i will be receiving that call…

and just two days ago…
i received a potential job offer … a friend asked me if i’m interested in a job offered originally to him but he just can’t accept it for professional reason, and he immediately thought of me to fill in for him…
it’s open for an RN specifically for a job not usually an RN would do…
that‘s the major reason why i am perfect(according to him)for it…
i was thrilled with the idea at first because i thought so too…
so i was in conundrum all day until i did some pros and cons…
and yet there were more cons just because i tried to think more of it…
it’s not that i will be accepted outright… and i know that i have all the qualifications only minus the skepticism…

after that day i just refused to prepare my application…
and move on with my nothing but do nothing life…

and then this morning…
another offer came… this time its an RN job…
the answer was easy… NO!

it’s nearly 2 months of waiting for the call…
i hope its not conceited of me to just wait…
so i think i will give it time…
i already waited long enough…
i hope i didn't wasted enough…

in the end... i am...

in a conundrum…

again...

Happy Birthday Rhen!


Happy Birthday Rhen!

this is after a long time your first birthday with your parents around, and sadly without us... but that won't stop us from celebrating... the cake and your favorite ice cream is already set...
anyhow, i wish you nothing but well...

iloveyou...

and still miss you... and your brothers...

kapag tambay ka...

dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang tawag na makakapagbago ng buhay ko...
tambay pa din ako...
palamunin...
walang kwenta...

hindi naman ganun ka miserable ang buhay ko... pala...

dahil ang buhay tambay...
nauutusan gawin ang kung anu anung bagay...
pinapaggrocery at pinagbabayad ng mga bayarin... sa madaling salita alipin by default...

ok, medyo miserable ata yun ah...
pero may bayad naman kasi yun... hindi lang nga fix ang sweldo, dahil ang buwanang kita ay nakadepende sa kung ilan ang pwedeng makupit...

at masasabi kong nabubuhay naman ako nito...
mabuti na lang at wala pa akong naanakan...
kung magkataon, matinding pangkukupit yan... siguradong kulong ang abot ko...

sa seryosong usapan naman...
kung tambay ka din...
marami kang oras na...

magexercise- simula ng matapos ang training ko sa isang hospital pinangarap ko ng mag gym o kung hindi man kahit mag jogging lang tuwing umaga, nagigising nga ng maaga yun ay para lang matulog ulit... sinayang ang mga umaga na sumikat si haring araw, pinangako pang kapag maganda ang panahon magjojogging na talaga... ngunit, inabot na lang ng tag ulan kahit brisk walking o walking sa labas ng bahay hindi nagawa... sana lang tumigil na paglaki ng tiyan ko at ayokong maging police...

kaya tama... kapag tambay ka... marami kang oras na sasayangin...

sa mas seryosong usapan...
kung tambay ka din...
marami kang oras na...

magsimba- hindi katulad ng may mga trabaho na tuwing linggo nagpapahinga pa din sa pagod, kaya hindi linggo linggo ang pagbisita sa simbahan... ako dahil wala pang trabaho, walang mairarason kay Lord para di makapagsimba... simula nung maging classmate ko ang pinsan ko pala na galing sa catholic school, nagnonovena na ako diretso simba tuwing bakante ang miyerkules ko nuon... at ngayon na bakante talaga, ginagawa ko na naman ulit...
at kanina nga galing ako ng simbahan dahil birthday ni MAMA MARY...
dahil naalala ko na parang naisagot ko ito sa quiz namin nuon sa religious education na kasama sa mga araw na obligado ang mga katoliko na magsimba... yung nga lang hindi ko matandaan kung tama yung sagot ko...

kaya tama... kapag tambay ka... marami kang oras na magmuni muni ng nakaraan...

and again...

HAPPY BIRTHDAY MAMA MARY!!!

funniest pinoy movie to date...


nanuod ako kahapon...
ang ganda...
sobrang nakakatawa...
lahat ng eksena pasok na pasok...
hindi pilit...
mga punch lines na di mo pa nababasa sa text o napanuod na sa iba...
parang transformers na di ka papahingahin sa aksyon,
yun nga lang aksyon sa katatawanan...

yung last movie na napatawa ako ni uge sa character nya ng ang cute ng ina mo...
narealize ko pati na kaya ko siguro nagustuhan halos lahat ng movie ni aiai dahil ata sa kanya...
galing talaga...
sana marami pa siyang mga pelikulang ganito...
siya ang bida...
lalo na kung kasama si elena(yung katulong sa kimmydora)...
nakakatawa talaga...

funniest pinoy movie to date...

a.?b.?c.?d.?

eto na naman ako… parang sirang plaka… parang sirang plaka… parang sirang plaka…

hindi ko kasi maiwasan na maisip na bakit kaya hirap akong mag move on…
pati si gill parang galit na dahil di ako makamove on…

kaya ginugol ko ang nakaraang dalawang araw magmuni muni kung bakit nga ba ganito ako…

nung isang araw, ng ilagay sa lap ang laptop, nakita ko ang mga pictures nila: katrina halili, rihanna at chris brown.

nang bumungad sa harap ko si Katrina halili, kahit pictures nya bilang fedra ang nakita ko, ang una kong naisip yung nangyari sa kanya(hindi yung nangyaring PG) OK! OK! yung nga!

nang nakita naman si rihanna sa music video ng bagong single ni jayz, yung bugbog saradong mukha naman nya ang laman ng isip ko hanggang matapos ang buong kanta… kahit mukhang palaban siya sa music video...

nang magleak naman ang mga bagong kanta ni chris brown, na kahit litrato nya ay yung nakangiti na hawak hawak ang aso niya, naiimagine ko kung panu nya binugbog si rihanna, yung mukhang galit na paulit ulit ang pagsapak ng pag sapak sa kawawang ex gf… pero tuwang tuwang pinapakinggan ang mga kanta nya dahil sa totoo lang magaganda naman kasi…

in short all the time” naka anu ang una mong naiisip kapag…?”-mode ako… kung anu man yun di na ako nakakaalis pa… fixated na kung baga...

sa totoong buhay naman… minsan ng makachat ang isang matalik na kaibigan na nasa london na ngayon, natandaang hiningian ako ng updates ng mga classmates namin sa college, kung anu na mga pinag gagagawa nila, nabigla na lang ako dahil halos alam ko pala lahat ng hindi namamalayan. na kahit halos dalawang taon ng di nagkikita kita, may alam pa din ako sa kanila, may load lang siguro ako pangtext sa kanila… kaya in touch pa din...

parang nakakabahala na in a way pero on the bright side walang limutan...

speaking of...
last month, habang nasa maynila nakipagkita sa mga kaklase nung high school, at kahit lahat sila may mga trabaho na ang tingin ko sa kanila gaya pa rin nung dati at ang nakakatuwa ganun pa din talaga sila… hindi ko alam kung di sila nagbago o dahil sa kami ang magkakakasama kaya parang walang pagbabago… in short, mga asal high school pa din...

napaisip tuloy ako kung nagmature man lang ba ako kahit kunti...

kanina habang naghihintay naman ng load, kinalikot ang cellphone kaya nagawi sa gallery at nakita na may mga pictures pala ako ng halo halo ng razon’s, ang bago kong kinababaliwan tuwing nasa maynila…
at nagsimula ng matakam… sarap kasi nito… na kahit binabagyo na talagang lumalabas ako para kumain lang ng halo halo… paguwi naman ng bicol, pinagisipang mag franchise nito na hanggang plano lang dahil palamunin pa din ako hanggang sa mga oras na ito... in short incapable of managing a business let alone opening one...

pano nakapunta sa halo halo??
nagccrave lang siguro ako kasi isang buwan na ang nakalipas mula nung last kong pagkain sa razons... nasa isip ko pa din yun lalo na pag sobrang init...

baka nga ako na ang hari ng stuck… hindi makamove on…

ngunit ang pinakamalaking question mark?
bakit nang magbreak kami ng ex ko…
lahat ng kaibigan ko bilib and/or galit sakin kasi bilis ko daw maka move on…

anu nga ba ako…?
a.Hari ng stuck
b.Great Pretender
c.isang blogger na sulat lang ng sulat kahit wala ng sense
d. all of the above

"oo nga anu!"

nang dahil sa nagloko ang smart bro nitong nakaraang mga araw...
wala na naman akong ibang magawa kung di ang manuod ng tv...

kaya naman... namiss ko na naman ang pamangkin ko na katabi ko lagi kapag nagttv ako...
ang kanyang mga sinasabi sa mga patalastas... kesyo ganito kesyo ganyan...(makailang post na din ang nasulat ko sa mga observations nya sa mga patalastas)...
na wala akong ibang nasasabi kundi ang "oo nga anu!"

habang nanunuod ng tv...

lumabas yung tv ad ng alactagrow... yung may batang potpot...
makalipas ang ilan pang commercials lumabas ang parokya ni edgar kumakanta ng ibulsarap... at sa dulo nun, pinakita ang mang tomas... na parehas na parehas ang kulay ng kamay ni potpot...

alam kong may sinabi na naman ang pamangkin ko kung andito lang siya...
hindi ko lang alam kung anu pero, mapapa "oo nga anu!" na naman ako malamang...
pati maaari nyang sabihin naiisip ko pa...

hay buhay tambay...
nakaka praning pala...
muntikan pa yata akong magkaroon ng imaginary friend...

it's better late than never...

alam ko medyo late na...
pero may kasabihan nga na...
daig ng maaga ang tardy...
anu???

hindi pala...

it's better late than never...

dapat kasi nung 21 pa dapat ako magpost...
kaya lang hinintay ko pa maplantsa yung isang tshirt para naman presentableng tingnan...hindi man ako nakasali sa mga rally nun. yun ay dahil wala pa ako sa mundong ito...
salamat po sa lahat... Mr. & Mrs. Aquino...

mabuti na lang busog ako...

kakatapos ko lang kumain...
busog na busog na naman...
kagaya kahapon at kahapon kahapon at kahapon kahapon...

kaya naisisp ko...
mukha yatang mas pinagiisipan ng pamilya ko ang merienda kaysa sa ibang meal of the day...
at narealize ko na sa lampas dalawang dekada kong nabuhay sa pamilyang ito...
parang lahat sila may naiaambag sa hapag kainan tuwing hapon...

si papa... ang pinakamasarap magluto sa bahay...
ngunit pagpatak ng alas tres ng hapon simula na ng paghanda nya ng: ginataan- ang pinakapaborito ko, sotanghon, pansit na iba ibang luto, at pati mga kakanin...

si mama kapag bakasyon dito sa pilipinas, hindi nakakalimot gumawa ng version nya ng nabibili sa krispy kreme, gonuts, dunkin, mister at sge na nga sali ko na din hapi haus... at hindi sa mama ko siya kaya ko sasabihing kakaiba at masarap ang luto niya...

si ate, nuong hindi pa siya umaalis ng bansa, spaghetti naman ang pangbato, mahilig din gumawa ng cakes at ng cookies, na karamihan nakukuha niya sa kakanuod nung cooking show tuwing linggo ng umaga sa ibc ata yun, wala na atang ibc ngayon eh...

kapatid kong sunod sa ate ko, bago pa siya magdesisyong sa maynila magtrabaho, hindi rin niya ipapatalo ang goto niya... masarap dahil minsan lang namin matikman...

kapatid kong sumunod naman sa sunod sa ate ko, macaroni soup at tsyamporado naman ang ibinibida... minsan nangahas magluto ng lasagna, hindi masama pero walang tumangkilik, kaya't bumalik na lang sa kung anu ang bumenta...

kapatid kong sumunod pa sa dalawang sumundo sa ate ko, may alam din sa kusina pero minsan lang magpamalas, kaya't nauwi lang sa pagluluto ng pancit canton at instant noodles... nasa maynila na din kaya natutuhan kong magluto rin nun...

at ako... sumakit na ulo ko kaiisip kung anu naman ang naimbag o naiiambag ko sa hapagkainan namin... wala pala masyado... kasi ako lang yung taga hintay ng tawag pag kakain na...
pero kahit naman ako ganito, may pagkakataon naman na nagpepresentar ako na bumili ng pantulak at ng tinapay... at sa kasalukuyan, ako ang naghahanap ng cake tuwing merong may kaarawan sa kahit sino man sa pamilya ko...

naiisip ko, paano kaya nalaman ng mga kapatid ko kung anu ang maibibigay nila na merienda sa mesa namin... dahil walang nauulit... may kanya kanya sila... kasi kung meron man parang di ata ako nasabihan...
at kung halimbawang magkakaroon man ako... siguro pizza para bigatin... kahit pizza bread lang... kaya ko naman ata yun... nakita ko nun minsan ate ko nung nagluto siya, madali lang naman... oo... tumingin lang ako... hindi tumulong...

bakit ko ba naisipang magpost nito...
namiss ko na sila...
nagmukha pa akong kawawa sa sarili ko...

mabuti na lang busog ako...

wake me up when September begins

summer has come and passed
the innocent can never last
wake me up when September begins


yes, it should be ends...
and yet, it isn't...

because im itching for september to begin...
why is that???

the reason(s) are the following...

i read from mithoos the schedules of when the airing of the first episodes of the tv series i was and am hooked at... (i repeat tv series, not teleserye... there's a huge difference...)

sept. 8 : i was able to watch this because i became a fan of jennie garth from what i like about you, she was the older sister of amanda bynes then, i heard that she was one of the original cast of this hit show back in the 90's and is still on it now, so i gave it time, and glad i did, because i was able to know my tv eye candy, ms, jessica stroup... the season ender was a little bit of a cliffhanger so i'm eager to watch how things are...

sept. 9 : just last week when season 5 ended, and now, another season is coming, im thrilled to know that they will not wait another year to air the next season...

the pilot episode of this show, was aired last may, and judging by it... i think it's going to be awesome, it's a musical drama and comedy, and i heard there will be lots of well known singers guesting on it... on the pilot they sang dont stop believen of the journey... and there will be more songs to come... excited of that too...

sept. 10 : i know... what's with all the vampires... when it rains it pours that's what they say, i'm starting to believe it's true... first i hated twilight, then i like true blood, so where will this be? honestly i don't have an idea, just curious of twilighting it or trueblooding it???

sept. 16 : another new one... i just want to see marissa cooper again... yes, i am an OC fanatic then... so i will give this one a try...

sept. 17 : although the season ender was not that big of a question mark which was surprising because the show usually left people with "what the f***!?" but nevertheless i think season two will still be f**k*n unbelievable...

sept. 21 : where did everyone go? what will be the story for this coming season, i hope this won't have a downside like the previous one...

sept. 24 : i'm excited to watch this one because the season ender was really a shocker... although dr. omalley died permanently, i know that the writers of this show will turn it around especially with dr. grey's maternity leave... i mean ellen's maternity leave...

sept. 25 :
it ended with the prophecy of what a big threat/blessing the unborn child of melinda will become and their wedding at the street with ghosts as audience... so what happens next?

sept. 27 : things have been toughest to the family last season, they went through some, they were crushed by some, tommy was removed from the cast(the last time i checked) how will the family deal with this??

oct. 9 : been wanting to watch more of this, because it made me laugh... really really laugh... and who does not want to right???

the only show that is still unclear to me as to when it's season 2 will start is merlin... i hope soon... like next month...

because as much as i love real drama and comedy, i can't deny the fact that i am always drawn to fiction...

and so i sing...

summer has come and passed
the innocent can never last
wake me up when September begins